MAGUINDANAO - Limang pinaghihinalaang holdaper ang napatay matapos umanong lumaban sa mga pulis makaraan nilang pasukin ang isang convenience store sa Ampatuan nitong Sabado ng gabi.
Isa sa suspek ay nakilalang si Mecharis Manonggal.
Sa ulat na natanggap ni Maguindanao Police chief, Col. Jibin Bongcayao, dakong 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente saSitio Midpalaw, Barangay Kauran.
Pinasok aniya ng grupo niManonggal ang isang establisimyento sa nabanggit na lugar at tinangay ang maghapong kinita nito.
Kaagad namang hinabol ng mga pulis ang mga suspek na lulan ng isang multicab, gayunman, bigla umano silang pinaputukan ng mga suspek kaya nagkaroon ng ilang minutong sagupaan.
Nagawa umanong makatakas ng isa sa holdaper at iniwang nakabulagta ang limang kasamahan, ayon sa imbestigasyon.
Dalawang Cal. 45 pistol ang narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan engkuwentro, ayon naman kay Maguindanao Police spokespersonCapt. Fayeed Cana.
Tinutugis pa ng pulisya ang isa sa sugatang suspek.