QUEZON - Patay na ang isa sa tatlong pulis na nauna nang naiulat na nasugatan sa bumagsak na helicopter ng Philippine National Police (PNP) sa Real, Quezon nitong Lunes ng umaga.

Binawian ng buhay si Patrolman Allen Ona dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan, ayon sa pulisya.

Ginagamot pa rin sa Claro M. Recto Hospital sinaLt. Col. Michael Meloria at Lt.Col.Dexter Vitug dahil sa mga sugat sa katawan, ayon kay Quezon Police Information Officer Corporal Grace Calimag.

Naiulat na galing ang mga ito sa Manila Domestic Airport sa Pasay City sakay ng Airbus No. H125 na may registry No. RP-9710 at patungong Balesin Island Airport upang sunduin si PNP chief, Gen. Dionardo Carlos nang maganap ang insidente sabulubunduking bahagi ng Purok Mayaog, Brgy. Pandan, Real.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente.

Danny Estacio