ILOILO CITY - Humirit ang mga driver na dagdagan pa ng₱2.50 ang minimum na pamasahe sa mga public utility jeepney (PUJ) sa naturang lungsod bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa pahayag ng Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA), nagsumite na umano sila ng petisyon saLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB-6) para sa usapin.
Paliwanag ng grupo, nasa₱9.00 lamang ang minimum na pamasahe sa PUJ at kapag tuluyan nang maaprubahan ang kanilang kahilingan ay magiging₱11.50 na ang sisingilin sa mga pasahero.
Pagdadahilan ni ICLAJODA presidente Raymundo Parcon, malaki ang naging epekto sa kanila ang pinakahuling pagtaas ng pamasahe nitong Pebrero 15.
Lugi aniya sila kapag hindi sila magtataas ng pamasahe dahil umabot na sa ₱1,200 kada araw ang ginagastos nila para sa diesel mas mataas kumpara sa dati na hanggang ₱800 kada araw.
Dagdag pa aniya rito ang hindi pa ipinatutupad na 100 porsyentong kapasidad sa PUJ dahil sa ipinaiiral na social distancing.
Tara Yap