Sa ikalawang sunod na araw, nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng mahigit 1,000 lamang na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa pahayag ng DIH, umaabot lamang sa 1,712 ang mga bagong kaso ng sakit na naitala nitong Linggo, Pebrero 20, 2022.

Ito na ang pinakamababang bilang ng bagong kaso ng sakit na naitala ngayong taong 2022.

Matatandaang nitong Sabado, Pebrero 19, ay nakapagtala lamang ang DOH ng 1,923 bagong kaso ng sakit.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Ayon sa DOH, sa ngayon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay 3,652,203 na.

Sa naturang bilang, 1.7% na lamang o 60,532 ang nananatili pang aktibong kaso ng sakit o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Karamihan pa rin naman sa mga aktibong kaso ay nakakaranas lamang ng mild symptoms ng karamdaman, na nasa 55,102 habang 856 naman ang asymptomatic o walang anumang sintomas na nararamdaman.

Aabot naman sa 2,848 moderate cases, 1,421 severe cases at 305 na critical cases.

Nasa 3,686 din ang naitalang pasyenteng gumaling na sa karamdaman.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroon nang 3,535,987 total recoveries o 96.8% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 77 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 55,684 na ang total COVID-19 deaths sa bansa.

Mary Ann Santiago