Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga lider ng simbahan na maging mahinahon sapakikibahagisa pulitika at huwag mag-endorso ng kandidato na maaaringmalagaysakompromisoang misyon at adbokasiya ng Simbahang Katolika.

Ito, ayon kay CBCP vice president at Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ay bilang bahagi ng ‘One Godly Vote’ voters education campaign.

Sinabi ng obispo na karapatan ng bawat mamamayan, kabilang na ng mga pari at madre, ang pumili ng kandidato na iboboto sa halalan.

Subalit bilang isang alagad aniya ng simbahan, kinakailangan ring pangalagaan ng bawat isa ang kanilang pagkakakilanlan o ‘identity’ bilang kasaping lingkod ng simbahan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Pwede namang ilahad mo ang preference mo, pwede namang sabihin mo kung sinong kandidato at bakit ito even when all your value system pero dahil iyon ang identity mo, baka pwede kung magpu-persuade ka ng iba, you can do it unassumingly with prudence. It is much better that way,” ayon kay Bishop Vergara, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Aniya pa, lumalampas o crossing borders na ang lantarang pag-eendorso ng isang pari at obispo sa kanyang sinusuportahang kandidato,.

“Kasi if you will do it publicly you are crossing borders, that we do not know the consequences,” paliwanag pa niya.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay na rin sa hayagang pag-eendorso ng ilang mga pari at madre ng mga pulitiko lalo na sa pampanguluhan.

“What will a priest or a bishop compromise or even a nun, when he or she is outspoken and perhaps uses a pulpit to campaign for somebody during this election, what will be at stake?”ayon pa sa obispo.

Binigyang-diin pa ng obispo na mahalagang sa tuwina ay isaalang-alang ng mga ‘kleriko’ ang misyon at adbokasiya ng simbahan na maaaring makompromiso dahil sa pag-eendorso o hayagang pangangampanya sa isang kandidato.

Ang national at local elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022.

Mary Ann Santiago