Labis na ipinagpapasalamat ni Aksiyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno ang dumaraming suportang natatanggap mula sa mga Diehard Duterte Supporters (DDS) groups at mga indibidwal, na napapansin aniya niyang kusang nagbibigay ng suporta sa kanya sa social media nitong mga nakalipas na araw.

“Maraming DDS din ang natulong sa atin kaya nga pag nagbibiruan kami minsan, Domagoso Diehard Supporters… pero ‘wag nyo aalisin si Pangulong Duterte sa puso nyo… ipahiram nyo lang sa akin ang puso nyo pansamantala,” ayon sa presidential aspirant.

Matapos na matanggap ang ‘manifesto of support’ na ibinigay sa kanya ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), isang malaking nationwide volunteer group na kilalang tumulong upang maluklok sa puwesto si Pang. Duterte noong 2016 presidential elections, pinasalamatan sila ni Moreno at ang iba pang DDS groups at mga indibidwal na boluntaryong tumutulong upang maisulong ang kanyang kandidatura.

“Magpapasalamat na rin ako kasi recently, napapansin ko’ yung mga DDS nagsusuporta na rin sa atin.Marami nang DDS na nakikita ko nagsi-share, nagpapaliwanag din sa mga kaibigan nila sa YouTube nila, sa FB nila, so para kang nakakuha ng instant campaigners,” ani Moreno.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Dagdag pa niya, “Alam naman nating di lang kandidato ang nangangampanya.Mas malaki ang tsansa ng kandidato pag maraming nangangampanya para sa kanyang kandidatura.”

Samantala, nagpahayag naman ng pag-asa si Moreno na maging ang PDP-Laban wing ni Energy Secretary Alfonso Cusi ay susuporta rin sa kanyang kandidatura, ngayong wala presidential candidate na kakatawanin ang kanilang partido.

“Sana, kung wala namang Presidente ang PDP-Laban, baka puwedeng ako na lang. Baka lang, eh wala namang masamang nagsasabi. Ayokong hulaan nila pa ang damdamin ko. Kung tutulungan ako, eh di thank you very much. Lahat ng uri ng tulong kakailanganin ko,” anang alkalde.

Una nang sinabi ni MRRD-NECC president, na si dating Agrarian Secretary John Castriciones, na isang senatorial candidate sa ilalim ng PDP-Laban, na bagamat hindi inaasahang magdedeklara ng suporta ang pangulo sa kandidatura ni Moreno, ay umaasa silang gagawin niya ito.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/19/panawagan-ng-mrrd-necc-switch-to-isko/

“He (President Duterte) might not expressly state that he is supporting any candidate but as you can see in his body movements and also in his pronouncements, you can actually deduce as to who he is going to support,” pahayag pa ni Castriciones.

“But basically as an organization faithful to the cause of the President, we can see that by our unity, we can also do the same by supporting Mayor Isko and his candidacy and I suppose that if it is the will of the majority, then that would be the will of the President. We hope that if the President seeswe are doing the same as his loyal supporters, we hope he will also expressly or endorse Mayor Isko,” dagdag pa niya.

Sa pagpiprisinta ng grupo ng kanilang manifesto of support kay Moreno, lumagda rin ang alkalde ng kanilang appointment papers bilang designated leaders sa lahat ng lungsod, munisipalidad, rehiyon at mga lalawigan.

Mary Ann Santiago