Kaagad na dumipensa ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa umano'y pag-iwas ng dating senador na makipagkamay sa mga supporters na dumagsa sa kanilang pag-iikot sa Caloocan nitong Sabado.
Reaksyon ito ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez sa footage na kumalat sa social media at sinabing may infection umano ang kamay ng dating senador.
“Hindi umiiwas sa handshake si BBM, kundi iniiwas lamang [niya] ang kanyang kamay na nagkasugat sa braso malapit sa may pulso na tila nagka-impeksyon,” ayon kay Rodriguez.
Kamakailan, naglabas ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na nagbabawal sa mga kandidato na makipagkamay sa mga botante sa panahon ng kampanya sa gitna na rin ng banta ng pandemya ng coronavirus disease 2019.
Bukod sa pakikipagkamay, ipinagbawal din ng Comelec ang paghalik, pagyapos at iba pang physical contact ng mga kandidato sa mga botante.
Hannah Torregoza