Napatay ang isang mag-asawang pinaghihinalaang kaanib ngNew People's Army (NPA) makaraang makasagupa ng grupo nito ang militar saBarangay Odiongan, Gingoog City, Misamis Oriental nitong Biyernes, Pebrero 18.

Ang dalawa ay kinilala ng militar na sina Jelan Pinakilid, alyas Baking/Matrix, umano'y secretary ng NPA at Darling Pinakilid, isa umanong medic ng Squad 3, North Central Mindanao Regional Committee ng NPA.

Sa pahayag ni 402nd Infantry Brigade commander, Brig. Gen Adonis Ariel Orio ng Philippine Army, nagsasagawa ng intelligence operation ang mga sundalo sa Barangay Odiongan nang bigla umano silang paputukan ng mga rebeldengnagpapatupad ng"Permit to Campaign" at "Permit to Win" sa mga kandidato sa halalan.

Matapos ang engkuwentro, iniwan ng grupo ng mga rebelde ang bangkay ng mag-asawa.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Naiulat na si Pinakiliday kabilang sa most wanted dahil kilalang kaanib ng kilusan at may kinakaharapna patung-patong na kaso, katulad ngmurder, frustrated murder, at rebelyon.