Isinusulong ng mga kilalang Mangudadatu sa Maguindanao ang tandem nina presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio o mas kilala bilang team ISSA.

Nagtungo ngayong Linggo, Pebrero 20, sa Maguindanao si Moreno upang mangampanya at malugod siyang tinanggap at personal na sinuportahan nina Zajid "Dong," Congressman Esmael "Toto," at Board Member King Mangudadatu.

Libo-libo rin ang nagpakita ng suporta sa presidential aspirant.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Photo: King T. Mangudadatu/FB

Gayunman, hindi namataan sa caravan ang running mate ni Moreno na si vice presidential candidate Doc Willie Ong.

Sa Facebook live ni Dong Mangudadatu noong Sabado, Pebrero 19, sinabi niyang hinahanap nila ang mga kandidatong magpapatuloy sa mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa video, ipinakita niya ang mga kandidatong "makakatulong" at "pag-asa" umano ng sambayanang Pilipino.

Bukod kay Moreno, ang mga ipinakitang national candidate ay sina senatorial aspirants Samira Gutoc, Carl Balita, Jopet Sison at John Castriciones, at Davao City Mayor Sara Duterte.

Tumatakbo si Dong bilang Congressman at Gobernador naman ng Maguindanao ang tinatakboni Esmael.

Sa isa pang Facebook live noong Pebrero 16, habang nangampanya si Dong ay ikinampanya rin niya ang ISSA tandem.

Makikita sa video ang mga sasakyang may tarpaulin na may mukha nina Isko at Sara. Namimigay rin ito ng mga t-shirtat tarpaulin.

Samantala, nanawagan noong Sabado, Pebrero 19, ang Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee o MRRD-NECC, sa mga botante na lumipat na at ang iboto sa halalan ay si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno.

Ang MRRD-NECC ay isang malaking volunteer group na tumulong upang manalo si President Duterte noong 2016 presidential elections.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/19/panawagan-ng-mrrd-necc-switch-to-isko/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/19/panawagan-ng-mrrd-necc-switch-to-isko/

Labis naman na nagpapasalamat ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno ang dumaraming suportang natatanggap mula sa mga Diehard Duterte Supporters (DDS) groups at mga indibidwal, na napapansin aniya niyang kusang nagbibigay ng suporta sa kanya sa social media nitong mga nakalipas na araw.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/20/mayor-isko-nagpasalamat-sa-dumaraming-suporta-na-natatanggap-mula-sa-mga-dds/