Binuksan ng Australia ang mga internasyunal na hangganan nito sa lahat ng nabakunahang turista noong Lunes, halos dalawang taon matapos unang ipataw ng isla na bansa ang ilan sa mga mahigpit na paghihigpit sa paglalakbay dahil sa COVID-19.
"The wait is over," masiglang pahayag ng Punong Ministro ng Australia na si Scott Morrison sa isang press conference noong Pebrero 20 bago ang muling pagbubukas.
"Pack your bags. Don't forget to bring your money with you, because you'll find plenty of places to spend it," paalala ni Morrison sa mga dayuhang nagbabalak na bumisita sa kanilang bansa.
Darating ang unang flight sa Sydney Airport mula sa Los Angeles nang 6 am (1900 GMT), na susundan ng mga pagdating mula sa Tokyo, Vancouver at Singapore.
Nasa 56 na mga internasyonal na flight lamang ang inaasahang makakarating sa Australia sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng muling pagbubukas — mas mababa sa mga antas ng pre-pandemic — ngunit sinabi ni Morrison na walang duda ang bilang ay tataas sa oras.