UUmapela sa gobyerno si Senatorial candidate Herbert “Bistek” Bautista nitong Linggo na payagan ang mga maliliit na tindahan na magbenta ng mga bitamina at mga gamot na hindi inirereseta upang mapagaan ang pasanin ng maliliit na komunidad na walang madaling akses sa mga tindahan ng gamot o parmasya.
Isinusulong ni Bautista, dating alkalde ng Quezon City, ang mobile clinic at parmasya upang matulungan ang mga residente sa malalayong komunidad na makakuha ng mga pangunahing gamot. Aniya pa, dapat tumulong ang gobyerno na gawing mas madali para sa publiko na magkaroon ng akses sa mga gamot na nabibili nang walang reseta.
“Let’s not further make it difficult for our people to buy the medicines that don’t need prescriptions,” sabi ni Bautista sa isang pahayag.
“Why do we have to complicate it? These sari-sari stores don’t sell prescription drugs or medicines for HIV. They just sell medicines for headaches, fever, cough, colds that are available all over,” dagdag niyang punto.
“Why make things difficult for the small entrepreneurs who are doing their communities a big service?”
Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga sari-sari store, o maliliit na nagtitinda ng mga pangunahing bilihin, na mag-aplay ng permit to sell ng mga gamot sa Food and Drug Administration (FDA), isang bagay na sinabi ni Bautista, na maaaring maging mahirap para sa mga may-ari ng tindahan na ito.
Ang unang reaksyon ko diyan ay ‘ano?’” ani Bautista, na tumatakbong senador sa ilalim ng UniTeam Alliance nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Also, why make it more difficult for our small store owners to do business? They should even be exempted from paying taxes because their income is too small to even make ends meet for their owners,” ani Bautista.
Bukod aniya, ang mga gamot para sa sakit ng ulo, pananakit ng katawan, sipon, ubo o lagnat na hindi controlled susbtance ay dapat ibenta sa mga tindahan ng “sari-sari” dahil ito ang mga outlet na kadalasang naaabot ng maraming komunidad.
Sa maraming pagkakataon, binanggit ni Bautista, ang maliliit na sari-sari stores ang akses sa gamot ng mga mahihirap na komunidad dahil pinapayagan ng mga tindahang ito ang mga pagbili nang pautang.
Hannah Torregoza