Apat ang naiulat na nasawi nang masunog ang isang residential area sa Sta. Cruz, Maynila nitong Linggo, Pebrero 20 ng umaga.

Kinikilala pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga nasawi na pawang sunug na sunog ang katawan.

Sa paunang ulat ng BFP, ang insidente ay naganap sa isang bahay sa panulukan ng M. Natividad St. at Mayhaligue St., Brgy. 316, dakong 9:45 ng umaga.

Kaagad na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na gawa sa light materials.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Matapos maapula ang sunog ay natagpuan naman ang bangkay ng apat na residente sa pinangyarihan ng insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at halaga ng natupok na ari-arian.