Iginiit ni Senatoor Nancy Binay sa Department of Budget and Management (DBM) ang agarang pagpapalabas ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng ₱6,500 paa sa 377,447 na jeepney drivers na katumbas ng ₱2.5 bilyon.
“Umaaray na po ang ating mga public transport sector workers. Ngayonpa nga lang sana sila babangon muli dahil matagal silang natenggadahil sa pandemya, nanganganib pa dahil sa patuloy na pagtaas ngpresyo ng langis,” ani Binay.
Sa panig naman ng DBM, binanggit ni Undersecretary Tina Rose Marie Canda, may mgadokumento pa silang hinihintay mula sa Department of Transportation(DoT) upang mailabas na ang pondo.
Sinabi ni Binay na kung isang dokumento na lamang ang kailanganpuwedesigurong ipamahagi ang pondo dahil hirap na hirap na angsektor ng transportasyon, lalo na ang mga tsuper.
“Kung iisang dokumento na lang pala ang hinihintay and the rest of thecriteria for the release of aid is already fulfilled, sana i-releasena. Napaka-urgent ng isyu na ito at kailangan ng agarang resolusyon. Sana ay tayo ang mag-adjust," apela pa ng senador.
Leonel Abasola