Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na sa ngayon ay wala ng bansang nasa red list ng pamahalaan.
Pinapayagan na ang mga Pilipino, gayundin ang mga banyaga, na makapasok sa Pilipinas, kahit saang bansa sila nagmula, basta kumpleto ang pre-travel requirements at nasusunod ang mga health requirements.
“Wala na po yung red-list countries natin. Lahat ay pinapayagang pumasok basta’t mayroon silang karampatang travel documents atnasusunodnila ang mga health requirements, vaccination, RT-PCR tests,” ayon kay Undersecretary Raul Del Rosario, hepe ng One Stop Shop ng DOTr at Administrator ng Office of the Transportation Security.
Pinaalalahanan naman ni Del Rosario ang mga biyahero na bago pa umalis sa pinagmumulangbansa ay dapat magrehistro na sa One Stop Shop para ii-scan na lang ito pagdating sa bansa at makapasok agad sila.
Tiniyak din niyang ang mga bumibiyahe ay sinusuri ang requirements bago makasakay ng eroplano.
Mary Ann Santiago