Asahan na naman ang panibagong pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa Pebrero 22.

Mula₱0.80 hanggang₱1.00 per liter ang ipapatong sa presyo ng gasolina,₱0.50 hanggang₱0.60 kada litro naman sa diesel habang sa kerosene ay aabot sa₱0.40 hanggang₱0.50 kada litro, ayon sa Shell Petroleum Corporation.

Ito na ang ikawalong oil price increase ngayong taon.

Katwiran ng mga kumpanya ng langis, tumaas umano ang presyuhan sa pandaigdigang merkado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Huling nagtaas ng presyo ng langis nitong Pebrero 15 na pinalagan naman ng mga motoristang apektado ng nasabing hakbang.