Inatasan ni Vice presidential aspirant at Senador Kiko Pangilinan ang Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) na patunayan nilang wala silang kinikilingan sa "Oplan Baklas" program.
“Iligal ang ginagawa ng Comelec. Ang balita natin ang binabaklas lang ay iyong mga wala sa administrasyon kaya hindi tama. Ang panawagan natin sa Comelec at PNP, patunayan niyo na patas kayo at impartial kayo,” ani Pangilinan sa kanyang radio interview sa Dagupan.
Nitong Linggo, sinimulan ng Comelec at PNP ang "Operation Baklas" sa buong bansa upang tanggalin ang mga campaign material sa mga hindi nakatalagang lugar.
“Ang ating paniniwala, wala silang kapangyarihan lalo na kung ito ay personal na itinayo ng pribadong indibidwal sa kanyang pribadong pag-aari -- bahay or bakod niya -- at hindi naman siya kandidato…Hindi pwedeng tanggalin ng Comelec yan ng walang due process or hearing,” ayon pa sa presidential candidate.
Gayunman, tinuligsa ng mga taga suporta ni Robredo ang pagtanggal ng posters at tarpaulin nito sa mga private properties.
Base sa mga ulat, inalis ng Comelec at PNP ang mga poster at defaced murals sa loob ng mga private properties.
“Tulad na lang dito sa Isabela, private property at pader ng may-ari, may mural na pinaghirapan ng mga kabataan at ang ginawa ay binura. Hindi iyon allowed at hindi iyon ligal,” dagdag pa niya.
Ngunit itinanggi ito ng poll body. Anila, nagpapaalam muna ang kanilang mga opisyal bago pumasok sa mga private properties sa oras ng Oplan Baklas.