Nakuha sa tatlong drug suspect ang kabuuang P761,600 halaga ng umano’y shabu sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Quezon City noong Biyernes ng gabi, Peb. 18.

Kinilala ni Police Lt. Col. Jowie Lucas, Quezon City Police District (QCPD) Fairview Station (PS 5) commander, ang unang naarestong suspek na si Norainah Arien, 24, ng Bagong Silangan, Caloocan City.

Batay sa tip mula sa isang confidential informant, inilunsad ng PS5 ang entrapment sa JP Rizal Street sa Barangay Sta. Lucia noong Biyernes bandang 11:30 p.m., na humantong sa pagkakaaresto kay Arien.

Narekober ng pulisya sa suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, ang buy-bust money, at isang cellphone na ginamit sa transaksyon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Samantala, nadakip naman ng QCPD Drug Enforcement Unit (DDEU), sa pangunguna ni Police Maj. Wennie Ann Cale, ang dalawang suspek sa isa pang operasyon sa No.22 Chapel Area, Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, dakong 10:40 p.m. sa parehong araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Robert Inoc, 42, residente ng Brgy. Toro, at Rebecca Sioc, 41, ng Brgy. Ang Sto. Cristo, Quezon City.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa dalawa ang 12 gramo ng umano'y shabu na may market value na P81,600, ang buy-bust money, at isang cellphone

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022,” sabi ng pulisya.

Aaron Homer Dioquino