Pumirma ang Japanese Embassy sa Pilipinas ng isang grant contract na nagbibigay ng ambulansya sa munisipalidad ng Padre Burgos sa Southern Leyte upang palakasin ang emergency response system nito.
Si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ang pumirma ng kontrata noong Biyernes, Pebrero 18.
Ang proyektong pinamagatang "The Project for Provision of an Ambulance in Padre Burgos, Southern Leyte" ay pinondohan sa ilalim ng Grant Assistance for Grass-roots Human Security Projects (GGP) scheme para sa Fiscal Year 2022.
Ang total grant amount ay nagkakahalagang US$41,242 o mahigit dalawang milyong piso.
Sa isang pahayag, ang proyekto ay naglalayong magbigay ng isang bagong ambulansya upang idagdag sa nag-iisang ambulansya sa Padre Burgos.
“Since the municipality only has one dilapidated ambulance despite approximately 270 dispatch requests a year, strengthening the municipality’s emergency response system is urgently needed,” ayon sa pahayag ng Embahada.
Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang bagong ambulansya, ang proyekto ay inaasahang magpapalakas ng emergency response system at mapabuti ang mga emergency medical care services para sa 11,000 residente ng Padre Burgos.
Ang Gobyerno ng Japan, top Official Development Assistance (ODA) donor sa Pilipinas, ay naglunsad ng GGP sa Pilipinas noong 1989 para sa layuning bawasan ang kahirapan at tulungan ang iba't ibang komunidad na makibahagi sa grassroot activities.
Sa kasalukuyang panahon, 549 grassroots projects, kabilang ang ambulansya para sa Padre Burgos, na ang pinondohan ng GGP.
Ayon sa Embahada, naniniwala ang Japan na ang proyektong ito ay hindi lamang magpapatibay sa pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Japan at Pilipinas kung hindi makakatulong din sa higit pang pagpapaunlad ng isang strategic partnership sa pagitan ng Japan at Pilipinas patungo sa hinaharap.
Argyll Geducos