Sa kauna-unahang pagkakataon, matapang na nilantad ni Jake Zyrus ang larawan ng kanyang hubad na katawan matapos ang ilang taong proseso ng transition.
“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” mababasa sa caption ni Jake sa isang mahabang post sa Instagram at Facebook.
Hindi na iniisip ng transman singer ang mga pangungutyang matatanggap sa kabila ng “sakit, iyak at dugo” na pinagdaanan niya.
Dagdag niya, masaya siyang ibahagi sa publiko ang totoong si Jake na komportable na sa kanyang sariling balat.
Habang hindi niya hinihiling ang masasabi ng ibang tao, inalay din ni Jake ang paglalantad sa katawan para sa mga kapwa transgender.
“Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to,” aniya.
“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon,” dagdag ng Kapamilya singer.
Ilang netizen naman ang nagpahayag ng paghanga sa katapangan ni Jake.
“Thank you so much,Jake Zyrusfor putting yourself out there and standing up for all of us in the transgender community. I’ve been your fan for many years — since before we both transitioned. I had a long, tough road to transition. You’ve been an inspiration. Thank you.” komento ng isang follower.
“First step to become happy is to love yourself.. So proud of you,” saad ng isa pang tagahanga ng singer.
“You deserved the best in life, idol-anak, Jake. No condemnation. You are deeply-loved. Be happy always. Then and now, forever you will be in my heart.”
“God bless you Jake! much respect! so brave, don't let those hateful and loser comments bring you down. Stay safe.”
Samantala, nagpasalamat din si Jake sa mga tumangkilik sa bagong bersyon nila ni Troy Laureta sa OPM classic na "Maghintay Ka Lamang."