GAPAN CITY, Nueva Ecija - Hindi na nakalusot sa mga awtoridad ang isang 72-anyos na negosyante matapos dakpin sa nasabing lungsod kaugnay ng panggagahasa umano nito sa isang menor de edad sa Ifugao noong 1996.

Nakakulong na ang akusado sa rape na siRomulo Garcia, alyas Mulong, taga-Gapan City nang matiyempuhan sa pinagtataguan saBrgy. San Vicente nitong Biyernes ng gabi.

Sa panayam, sinabi ni Corporal George Magtalas ng Gapan City Police, isinagawa ang pagdakip batay na rin sawarrant of arrest na ipinalabas ni Judge Efren Cacatian ng Regional Trial Court Branch 15 sa Ifugao.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan nito.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Sa rekord ng kaso, dalawang beses umanong ginahasa ng akusado isang menor de edad saSitioKiling,Barangay Calipkip,Alfonsolista, Ifugao noong Nobyembre9, 1996.

Itinanggi naman ni Garcia ang akusasyon.

Ariel Avendaño