Sa pagsisimula ng kampanya para sa botohan sa Mayo, malalaking pagtitipon ang kaliwa’t kanang inilunsad kamakailan. Tanong tuloy ng isang estudyanteng netizen, bakit kapag graduation ceremony sa Facebook live lang?

Viral ngayon ang post ng Facebook user na si Gelo Qui matapos ihambing niya ang naglalakihang pagtitipon kasunod ng pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato noong Pebrero 8.

Sa viral photo, makikita sa isang collage ang larawan ng grand rallies ng kampo nina Presidential aspirants Vice President Leni Robredo at Bongbong Marcos, kalakip ang mga salitang “PWEDE.”

Sa pinaka-ibabang bahagi ng larawan makikita ang mga nagsipagtapos na estudyante suot ang graduation toga kalakip ang salitang “Bawal.”

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“Tapos kami sa Facebook live lang gagraduate??” mababasa sa caption ni Gelo.

Larawan mula Gelo Qui

Tinutukoy ni Gelo ang dalawang taon nang pagtatapos ng maraming Pilipinong estudyante sa pamamagitan lang ng virtual ceremony. Mula nang pumutok ang pandemya noong 2020, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang paglulunsad ng pisikal na graduation ceremony bilang pag-iingat sa hawaan ng COVID-19.

“Gusto din naming maranasan ung feeling na ‘Yes, Graduate na din ako!’?” ani Gelo.

“Gusto naming mag soot ng toga at sabay yakap sa aming mga magulang at sabihing: Ma/Pa, salamat❤️Graduate na anak nyo❤️” pagtatapos ni Gelo.

Nitong unang linggo ng Pebrero, isang in-person graduation ceremony ang kauna-unahang naganap sa University of Saint Louis Tuguegarao (USLT) sa lalawigan ng Cagayan.

Mula nang mai-upload sa Facebook noong Pebrero 10, tumabo na ng higit 108,000 shares at higit 48,000 ang naturang Facebook post.