Inendorso ng mahigit 200 Filipino retirees mula sa United Nations (UN) ang presidential bid ni Vice President Leni Robredo, anila dadalhin ni Robredo ang mga Pilipino sa "tamang landas ng pagbabago."

Ang grupo na may 207 na miyembro, na bahagi ng mahigit sa 30 na iba't ibang ahensya ng UN, ay pumirma at nagdeklarang susuporta kay Robredo.

Sila ang mga dating officers, staff, at technical advisers na nagtrabaho sa mga ahensya ng UN katulad ng UNICEF, World Bank, International Labor Office (ILO), UNFPA, World Health Organization (WHO), at UN Development Programme (UNDP).

“We believe in her Program of Government that will take us Filipinos to the right path of transformative change,” anila sa isang pahayag noong Huwebes, Pebrero 17.

“Her courage to stand up for the truth, for what is right for the country and our people inspires all of us. Her unblemished record of accountability and simple lifestyle speaks of her trustworthiness and humility. Her genuine concern for people’s well-being and empowerment will be the beacon for her governance as President,” dagdag pa nila.

Gayunpaman, malaking bagay sa kampo ni Robredo ang naturang deklarasyon ng suporta.

“It tells the vast majority of our people that competent people, people with experience, think that the VP is competent and that she has what it takes to be president and that’s no small thing,” ani OVP Spokesman Barry Gutierrez sa kanyang panayam sa ANC nitong Biyernes, Pebrero 18.

“And that supports the message that we have been sending out since the start: that her track record, that her approach to governance, that her completely clean record, are all things that should be very heavily considered in supporting her and choosing her as our next president,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang linggo, mahigit 130 Filipino economists ang naglabas ng pahayag na nagsasaad ng pagsuporta sa presidential bid ni Robredo.