Nanawagan ang pamilya ng napaslang na si Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng dagdag na seguridad dahil sa sunud-sunod na insidente ng pamamaslang sa lalawigan.
Sa isang television interview, binanggit ni Mark Aquino, anak ng alkalde, nitong nakaraang linggo ay isang chairman ng Sangguniang Kabataan ang napatay at tatlong supporters ng isang gubernatorial aspirant ang tinambangan dalawang linggo na ang nakaraan.
"Kami po ay humihingi ng tulong sa kapulisan at kasundaluhan na sana mabigyang tutok ang aming siyudad, probinsiya.Siguro ang solusyon dun 'yung tao mismo ang makakasagot dun, alam nila ano ang puno't dulo nito. Siguro sila ang makakadesisyon lalo na sa darating na halalan kung sino talaga ang may malasakit para sa kapayapaan. Naniniwala ako na hindi po ito magpapatuloy o magpo-prosper kung walang nagfi-finance na malalaking tao."
Kakandidato aniya ang kapatid nito na si Julius Aquino sa pagka-bise alkalde sa eleksyon sa Mayo 9. Aniya, ang nasabi ring posisyon ang tatakbuhin sana ng kanilang ama bago ito paslangin.
"Ang brother ko po ay isangdoctor,napakagandangpropesyon pero tinalikuran niya ito dahil sa kagustuhang magsilbi rin sa mga tao ng Calbayog.Napakahirap at malaking sakripisyo po ang ginawa ng aking brother at pamilya namin kasi galing pa lang kami sa isang trahedya kung saan buhay ng ama namin ang nawala."
Umaasa rin aniya ang kanilang pamilya na mabigyan ng hustisya ang pagpaslang sa kanyang ama kasunod na rin ng pagsuko kamakailan ng siyam na pulis na isinasangkot sa krimen.