Kinumpirma nitong Biyernes, Pebrero 18 ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Jimili Macaraeg na ang naarestong drug suspect sa Taguig City kamakailan ay isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot umano sa pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witnesses sa Sulu noong 2002 at sa Lamitan siege noong 2001.

Ang suspek ay kinilalang si Fahad Dumayag, alyas Rustom/Abu Cola, 31.

Siya ay naaresto ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City noong Enero 28 kung saan nasamsaman ito ng₱81,600 na halaga ng shabu, isang 40mm M203 grenade at isang rifle grenade.

Sa isinagawang custodial debriefing ng pulisya at sa pagbubunyag ng isang confidential informant,si Dumayag ay miyembro ng nabanggit na bandidong grupo sa pamumuno ni IsnilonHapilon.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sangkot umano ang grupo sa pag-kidnap sa mga miyembro ngJehovah’s Witnesses sa Sulu at sa Lamitan siege kung saan kinubkob ang isang ospital at isang simbahan noong Hunyo 2001 kung saan binihag ang ang mga pari at medical staff ng St. Peter.

Inamin umano ni Dumayag na siya ay miyembro ng Abu Sayyaf.

Bella Gamotea