Sinabi ni vice presidential aspirant at Senador Francis "Kiko" Pangilinan noong Huwebes, Pebrero 17, na isa sa layunin ng Biyahe ni Kiko (BNK) ay bigyang liwanag ang isyu tungkol sa kagutuman at seguridad sa pagkain, lalo na't puspusan ang kampanya.

Sa kanyang panayam sa radyo sa Baguio City, ibinahagi ni Pangilinan bilang tagapagtaguyod para sa agrikultura at seguridad sa pagkain na dadalhin niya ang mga isyung ito sa mga debate at forum.

“Mahalagang dalhin sa national debate ang usapin ng pagkain, agrikultura, farming at food security. Narito tayo para sa ating Byahe ni Kiko. Magkakaroon..ng dialogue at pakikipag-kapwa sa mga vegetable farmers dito sa Baguio upang malaman natin mismo sa kanila ang mga problema na kinakaharap nila bilang komunidad,” ani Pangilinan.

“Sa Byahe ni Kiko we are bringing the issue of hunger and food security sa debate upang tayo ay makapili kung sino ang nararapat na iboto na makakabigay solusyon sa mga problemang ito,” dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nauna nang nangako si Pangilinan maging ang kanyang running mate na si Presidential aspirant Leni Robredo na dodoblehin nila ang pondo sa Department of Agriculture kung sakaling manalo sila sa eleksyon.

Ngunit higit pagdoble ng pondo ng DA, naniniwala si Pangilinan na ang susi ay ang tamang pagpapatupad ng batas.

“Kapag dinoble natin ang budget ng Department of Agriculture, dapat triplehin naman iyong pagbabantay ng budget at ang siguraduhin na ang makikinabang ay ang ating mga farmers at fisherfolk sa pamamagitan ng crop insurance, post-harvest facilities, farm-to-market road, na talagang sila ang magiging sentro. At ang intervention ang dapat maging basehan ay paano madadagdagan ang kanilang kita,” aniya.

“Tayo ay naniniwala na kapag ang farmers and fisherfolk ay binigyan ng suporta, dadami ang supply ng pagkain, bababa ang presyo ng pagkain sa palengke. Mawawala na ang gutom. Lahat tayo ay makikinabang. Goodbye Gutom na!” dagdag pa ng mambabatas.

Hindi na umano baguhan si Pangilinan sa mga problema sa smuggling na patuloy na bumabagabag sa mga magsasaka sa buong bansa, kabilang ang mga magsasaka sa Benguet. Bilang dating food security secretary, natugunan niya umano ang isyung ito gamit ang batas.

“Nasolusyunan na natin iyan noong chairman ako ng NFA Council bilang food security secretary. Unang-una, habulin, i-suspinde, at sampahan ng kaso ang mga smugglers,” he said, saying that he became instrumental in suspending NFA officials from Regions 3, 5, 6, 9, and the National Capital Region as these officials were accomplice to the smuggling," anang vice presidential aspirant.

“Ganoon din dapat sa gulay. Binigay na iyong pangalan ng mga warehouses pero wala pa rin napaparusahan diyan sa isyu ng smuggling na yan. Ang problema kasi may mga kasabwat na mga opisyal,” dagdag pa niya.