Nagbitiw na si Roy Cimatu bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa anunsyongMalacañang nitong Biyernes, Pebrero 18, idinahilan umano ni Cimatu ang kanyang kalusugan.

Sinabi naman niExecutive Secretary Salvador Medialdea, isinumite ni Cimatu ang kanyang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes, 14.

Pansamantala namang ipinalit kay Cimatu siUndersecretary Jim Sampulna, ayon naman kayCabinet Secretary Karlo Nograles.

Si Cimatu ay dating nagsilbi bilangchief of staff ng militar noong 2002 bago ito itinalaga bilang special envoy for OFW and refugees.

Naging miyembro ito ng Gabineteni Duterte noong2017.

Matatandaang pinangunahan din niya ang anim na buwan narehabilitation ng Boracay noong 2018, paglilinis ng Manila Bay, at paglikha ng kontrobersyal na dolomite beach.