Naniniwala si House Majority Leader Martin Romualdez, pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), na halos tiyak na ang panalo ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio dahil sa ipinakitang pagsalubong sa BBM-Sara UniTeam sa Isabela, Cagayan at Ilocos Norte noong Miyerkules.

      

“The support for UniTeam that we saw recently in Isabela and Cagayan was awe-inspiring and we thank the local residents for that. But we’re now here in Ilocos Norte and this will no doubt be mind-blowing in terms of the outpouring of support,” ani Romualdez, pinsang-buo ni Marcos. 

Si Marcos, kandidato ng Partido Federal ng Pilipinas sa pagka-pangulo, ay nangunguna sa mga survey. Ang kanyang ama, si dating Pres. Ferdinand Marcos Sr., ay mula sa Ilocos Norte. Itinuturing na balwarte ng mga Marcos ang tinatawag na Solid North.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“This is what Solid North is all about. The Marcos name has captured the Ilocano vote; nothing is more formidable here and at the same time more loved by Filipinos in the region,” sabi ni Romualdez.

Dagdag pa ni Romualdez na kongresista ng Leyte: “Add to this equation the ‘Eagle of Mindanao’ in Mayor Inday Sara, who brings her proven track record as Davao chief executive and her father’s legacy of service. This team is unbeatable and all our fellow Filipinos need to do is to unite with them".

Sa kanilang rally sa Cagayan, Isabela at Ilocos Norte, sinabihan ni Marcos ang mga Ilocano na suportahan si Duterte-Carpio na kanyang katambal dahil mahalaga na ang vice president ay kanyang kaalyado upang bumuti ang pamamahala sa gobyerno.

“So it’s very important that as we elect the president we should also give that president someone who would help and work – not someone who will fight but will do everything to ensure everything we do will be successful,” ayon kay Marcos.

Bert de Guzman