Sinabi ng kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, Peb. 18 na dapat bigyan ng kinakailangang suporta ang mga Pilipinong imbentor dahil maaari nilang akayin ang bansa sa kompetisyon ng makabagong teknolohiya sa mundo.

Sinabi ni Marcos Jr. na dapat maramdaman ng mga lokal na imbentor ang suporta ng publiko gayundin ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lahat ng tulong na kailangan nila sa research and development (R&D), pagpopondo, benepisyo, at kinakailangang upskilling.

Kung mahalal, sinabi ng presidential aspirant na itataas niya ang antas ng R&D sa bansa gayundin ang pagtataas ng technological status sa pamamagitan ng higit na pagtutok at pagsuporta sa mga Filipino inventors at scientists.

Aniya, sa pamamagitan ng mga interbensyon na ito, ipinapakita ng mga Pilipino sa mundo na sila ay kasing-talino at kayang makipagsabayan sa ibang lahi.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Sinabi rin ni Marcos Jr., na maging sa mga paaralan, mahalagang malinang ang kakayahan at kagalingan ng bawat mag-aaral sa murang edad.

“If the student has a potential and passion to discover or make an innovative invention, he should be immediately supported by the government,” ani Marcos.

“Make them feel how important they are to the country and that all the support will be given to them as they work on their inventions,” dagdag pa niya.

Joseph Pedrajas