Mukhang gaya ng ibang mga momshies at papshies ay emosyunal din si 'Pinoy Big Brother' (PBB) main host Bianca Gonzalez sa muling pagbabalik sa face-to-face classes ni Lucia Martine, ang 6 na anyos na anak nila ng mister na si JC Intal, matapos ang halos dalawang taon online schooling dahil sa epekto na rin ng pandemya.

Ayon sa kaniyang tweet nitong Pebrero 18, sinabi ni Bianca na dumalo siya sa isang parent-teacher meeting para umano sa pilot testing ng face-to-face classes ng kanilang anak.

Malaking bagay raw ang dalawang taon na hindi nakapasok sa mga pisikal na paaralan at silid-aralan ang mga mag-aaral; at sa unti-unting pagbabalik ay ibang-iba na raw ang magiging setup.

"Just finished a Parent-Teacher meeting for the pilot face to face classes of our 6 year old. Di ko alam bakit pero naging emotional ako listening to the presentation, thinking the kids did not have that for 2 years, and how different it will be pagbalik nila," aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa Twitter/Bianca Gonzalez

Mukhang naka-relate much naman dito ang mga momshies.

"I hope their excitement to see other students, wearing uniforms, and buying school stuff is the same as what we experienced before. ?"

"I was in a PTC earlier too. Same topic was covered. I too, don't know what to feel."

"I feel you?."

Sa patuloy na pagbababa sa mas mababang alert level, inaasahan na ang unti-unting panunumbalik ng mga pilot testing para sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan.