Tatlong podiums para mga nagkumpirmang hindi dadalo ang ipapakitang bakante sa live telecast ng CNN presidential at vice presidential debate sa darating na Pebrero 26-27.

Sa anunsyo ng CNN Philippines, kasunod na rin ng hiling ng ilang netizens, makikita ang nakalaang podiums para sa mga lilibang kandidato sa debate.

Larawan mula CNN Philippines

Nauna nang naglabas ng pahayag ang UniTeam tandem na sina Presidential aspirant Bongbong Marcos at Vice Presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanilang pagtangging dumalo sa nasabing debate.

Hindi rin makadadalo si VP candidate Lito Atienza matapos last-minute na umatras dahil sa kanyang nakatakdang knee replacement surgery.

Kumpirmado namang sasabak sa debate ang natitirang siyam na aspiring Presidential candidates kabilang si Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, Noberto Gonzalez, Ka Leody De Guzman, Ernesto Abella, Faisal Mangondato at Jose Montemayor Jr.

Larawan mula CNN Philippines

Gaganapin sa UST Quadricentennial Pavilion ang debate na pangungunahan ng batikang broadcast journalists na sina Pia Hontiveros at Pinky Webb.