Pinagbabaril ang isang abogadong tumatakbo sa pagka-konsehal sa Batangas matapos pasukin ng dalawang armadong lalaki ang opisina nito sa Sto. Tomas City nitong Huwebes ng umaga.

Dead on arrival saSt. Cabrini Medical Center ang biktima si Reginald Michael "RM" Manito, 42, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa pahayag ni Batangas Police director Col. Glicerio Cansilao, ang insidente ay naganap sa Gov. Malvar Ave., Brgy. Poblacion 1 ng nabanggit na lungsod.

Naiulat na nasa loob ng kanyang opisina si Manito nang pumasok ang dalawang armadong lalaki at bigla itong pinagbabaril dakong 11:20 ng umaga.

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

Nakatakas naman ang secretary ng biktima na si Ara Oloc-Oloc Vargas.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Danny Estacio