Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang 'pag-cancel' ng ilang mga netizen sa social media personality na si 'Pipay' matapos umanong gawing biro si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, sa isa sa mga naganap na kampanya ng Kakampink team.

Sa video clip na kumakalat ngayon sa social media, makikitang lumapit at bumeso si Pipay sa senatorial aspirant na si Atty. Chel Diokno.

Maya-maya, bumati na si Pipay sa mga tao.

"What's up, Philippines, what's up world! Wala nang magsasabi niyan ngayon," hirit ni Pipay na ikinatawa naman ng audience. Ang mga sinabi niya ay mula sa sikat na "Hello Philippines, Hello World" na pagbati ni Toni Gonzaga sa tuwing magho-host ng reality show na 'Pinoy Big Brother' o PBB. Matatandaang noong Pebrero 9 ay nagbitiw na si Toni sa programa bilang main host, at ipinagkatiwala ito kay Bianca Gonzalez.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Maya-maya ay bumanat pa siya, "Mabuti nga nandito ako eh, yung iba nga hindi uma-attend…" pabirong parinig ni Pipay.

Screengrab mula sa TikTok

Narito ang ilan sa mga banat ng mga netizen kay Pipay, lalo na ang mga tagasuporta ng presidential aspirant na si dating Senador Bongbong Marcos:

"Unprofessional dentist po ba gumawa sa bagang n'yo?"

"Hindi mo po nararanasan yung respect? Well, hindi mo din naman nirespect si Toni G."

"Pwede naman kasi sumuporta pero 'wag magdamay."

"We RESPECT your decision kung sino iboboto mo, pero kung IRERESPETO ka namin na may ginagawa kang mali hindi na TAMA 'yon. Ganyan ba ang tinuro ng +++."

"Kapag ikaw Pipay nagsabi, freedom of speech, kapag naman kinorrect ka discrimination, respect is earned di iniimpose 'yan, Maricris, char."

"SANA PO NAINTINDIHAN MO NA DI KA PO KINAKANCEL KASI SI LENI IBOBOTO MO. NAGAGALIT PO ANG MGA TAO, KASI YOU MOCK TONI GONZAGA."

Samantala, sa kaniyang TikTok video ay ipinaliwanang ni Pipay ang kaniyang panig.

"Hello po, kina-cancel po ako ngayon, let's talk about this," panimula ni Pipay.

Screengrab mula sa TikTok/Pipay

"Ganyan po ba ang mental gymnastics ninyo, say no to cancel culture 'pag kayo ang dehado, pero let's body shame Pipay and cancel her over this clip?"

"Kayo rin po ba ay natawag na insensitive for speaking up samantalang yung isa ay okay lang na sumuporta sa magnanakaw at sumuporta sa taong naging dahilan kung bakit nawalan ng trabaho yung mga kaibigan niya?"

"'Di ba sabi n'yo po, respect others' opinion, pero bakit hindi ako nakakaranas ng respeto? At kung tatanungin po ninyo ako kung sino ang iboboto ko, iboboto ko po yung taong para sa taumbayan. Yung totoong may credentials? Yung nagtatrabaho at transparent na nagtatrabaho ng 18 hours a day…" giit pa ni Pipay.

"Next time, mag-research po tayo, available po 'yan, kailangan lang pong basahin. At sa mga nagsasabi po na manahimik na lang ako, hindi po ba ninyo naisip na kaya may mga nananahimik na hindi kayang magsalita, ay dahil nandito kami para mag-ingay?"

"Please know na I'm not against anyone. Hindi ako galit sa mga nang-aaway sa akin, hindi ako galit sa mga nangka-cancel, sa mga nambabash… nangba-body shame sa kamay ko, sa mukha ko, or everything… but please know na we are talking about the next 6 years of our lives…"

"Please, please, awayin n'yo na ako or not, but, this country is not a circus, so don't vote for a clown. Okay? Huwag kayong pumayag na ang taong mamumuno sa atin ay ang kaya lamang niyang ipagmalaki ay mga gawa ng tatay niya," paalala ni PIpay.

Si Pipay ay isang certified Kakampink.