Kinansela ni Pastor Apollo Quiboloy sa kanyang media outlet na SMNI ang vice presidential debates na nakatakda sana sa Pebrero 22-- ito ay bilang paghahanda sa "Round 2" ng presidential debates. 

"Because of public demand and public clamor, nabitin sila sa presidential debate. I'm sorry to say ika-cancel ko 'yung vice-presidential debate," ani Quiboloy sa kanyang programa na "Powerline."

"Kasi kung tatanungin mo ang vice president, pareho lang rin naman ang stand niya sa kanyang magiging presidente, 'di ba?… so parang may duplicity na hindi na kailangan. So 'yung slot natin for vice presidential debate, kinansel ko na lang 'yun para aking i-adjust doon sa main event na hinihingi ng tao-- second round of presidential debate," dagdag pa niya.

Gaganapin ang ikalawang round pagkatapos ng senatorial debates sa Marso 2 at 3 sa Okada, Manila.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Bago matapos ang kampanya, mga ilang araw, ang final main event ng presidential debate. I hope na itong mga aspirants ay mag-a-attend lahat," ayon kay Quiboloy.

“O kung hindi, kahit 'yung apat na lang. Kasi gustong-gusto ng taumbayan na mapakinggan silang muli," ani founder ng The Kingdom of Jesus Christ.

Matatandaang hindi dumalo sina Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno sa ginanap na presidential debates ng SMNI.

Sinabi rin ni Quiboloy na uhaw ang Pilipino sa isang intelligent platform, issue-based debates kaya't pabor siya sa ikalawang round ng presidential debate na gaganapin sa Marso 26, 2022.

Ang Sonshine Media Network International o SMNI ay pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy na nasa "most wanted list" ng FBI.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/05/most-wanted-poster-ni-quiboloy-nakabalandra-sa-fbi-website/