Nalagpasan ng Pilipinas ang crisis stage ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH).

Idinahilan ni DOH Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes, Pebrero 17, ang pagbaba ng two-week averagegrowth rate, average daily attack rate (ADAR) at healthcare utilization.

"Nalagpasan na natin kasi low risk na nga tayo," ani Duque. Binanggit ni Duque ang -81% na two-week growth rate sa bansa habang ang ADAR ay nasa 7 cases per 100,000 population kaya ikinukonsidera na itong "low-risk."

"Tapos ang ating health systems capacity nasa low risk, mga a little over 30% lang ang kama na nagagamit, so 3 out of 10. Mababa siya," paglilinaw ni Duque.

Gayunman, tinututulan nito ang plano ng gobyerno na tanggalin na ang mandatory face mask policy.

"Hindi ako naniniwala na malapit na ang panahong tanggalin ang face mask policy kasi, lalo na meron tayong campaign rallies. Lalo pa natin dapat paigtingin ang pagsunod sa minimum health standards," aniya.

Matatandaang inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez,Jr. posibleng alisin na ang kautusan ng pamahalaan na pagsusuot face mask sa huling bahagi ng kasalukuyang taon.