Naglabas ang Korte Suprema (SC) ng mga alituntunin para sa pagtataguyod ng gender-fair na wika at courtroom etiquette alinsunod sa pagsasabatas ng Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act, na nagbabawal at nagpaparusa sa ilang uri ng gender-based sexual harassment.

Sa isang pahayag noong Miyerkules, Pebrero 16, sinabi ng SC na ang mga alituntunin ay naaprubahan sa kanilang en banc deliberation noong Martes.

Ang paggamit ng non-sexist na wika sa mga opisyal na dokumento, komunikasyon, at mga isyu ay hinihikayat ng tribunal.

Nabanggit na halimbawa ay paggamit ng salitang "person" sa halip na "man" at "humanity" kaysa sa salitang "mankind."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Idinagdag nito na ang paggamit ng mga terminong panlalaki para sa mga propesyon o trabaho ay hindi hinihikayat. Bilang halimbawa, hinihikayat na gamitin ang salitang “chairperson” sa halip na “chairman” o “business owners” sa halip na “businessmen.”

Ang mga alituntunin ay bahagi ng mga pagsisikap ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary (CGRJ), na pinamumunuan ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, at binibigyang-diin ang pagiging sensitibo sa mga taong may magkakaibang oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan at pagpapahayag ng kasarian, at katangian ng kasarian.

Tinukoy ng Safe Spaces Act ang kasarian bilang “a set of socially ascribed characteristics, norms, roles, attitudes, values, and expectations identifying the social behavior of men and women, and the relations between them.”

Dagdag pa ng Korte Suprema, “Our courts are courts of evidence, and its power to take judicial notice of matters is limited. Therefore, courts cannot and should not perpetuate gender stereotypes, which rest on unfounded generalizations regarding the characteristics and roles of binary and non-binary genders, but indisputably influence the perspectives of the judges and litigants alike. This is evident with respect to matters at issue before the courts, as well as in the language the courts employ in adjudication."