Kinilig ang misis ni vice presidential aspirant at Senador Kiko Pangilinan na si Megastar Sharon Cuneta sa pag-tweet ni American singer, actress, at TV personality na si Cher, hinggil sa ka-tandem nito na si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.
Ni-retweet ni Shawie ang post ni Cher sa Twitter sa pamamagitan ng screengrab ng sinabi nito, na dapat suportahan si VP Leni. 'Let women do it', aniya.
"From the one and only CHER @cher !!! We love you so much! Thank you!!!??????," ayon kay Mega.
Pagkatapos nito ay nag-tweet o tumugon naman si Mega at ibinida na ang kaniyang mister na si Sen. Kiko ang ka-tandem ni VP Leni sa pagtakbo sa halalan 2022.
Inilarawan niya sina VP Leni at Sen. Kiko bilang katangi-tangi, tapat, may takot sa Diyos, at maalam.
"Thank you, @cher. My husband is running as Leni's Vice President and they are a wonderful, honest, God-fearing, knowledgeable team! We love you! #WomenPower."
Samantala, wala pang retweet si Cher tungkol dito.
Nag-ugat ito sa pagtatanong ni Cher kung sino ba si Leni. Aniya, "Excuse Don't Know Leni."
Bagay na sinagot naman ng mga netizen. Sinabi nila na ito ang kasalukuyang Vice President ng Pilipinas, at ang kaisa-isang babaeng tumatakbo bilang Pangulo.
Tweet naman ni Cher, "BRAVO‼️LET WOMEN DO IT‼️LET LENI,& ALL WOMEN FIGHTING 2 SAVE CLIMATE,CHILDREN, ELDERLY,POOR,HOMELESS,SICK,PPL OF ALL COLORS,ETHNICITIES, LGBTQ.FORCE HONOR IN GOV.MAKE MEDICAL CARE,EDUCATION, CHILDCARE FREE. TAX CORPORATION, STOP CHILD LABOR, ANIMAL CRUELTY, ETC. #2GETHERWERSTRONG."