CEBU CITY - Pinapapasok pa rin sa lungsod ang mga hindi pa bakunadong dayuhang turista.

Ito ang nilinaw ni Cebu GovernorGwendolyn Garcia at sinabing nagpalabas na siya ng executiveorder (EO) na epektibo nitong Pebrero 10 na nagpapahintulot sa mga dayuhan na pumasok sa lugar basta sasailalim sa quarantine ang mga ito.

Nauna nang binatikos ni DepartmentInterior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya si Garcia kaugnay ng usapin habang binalaan naman niHealth Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga local government units na nagpapapasok ng mga dayuhang hindipa bakunado sa kani-kanilang lugar.

Buwelta naman ni Garcia, sinusunod niya lamang ang quarantine protocols na inilabas ngInter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) na nagpapahintulot sa mga foreign tourist na pumasok sa kanilang lugar, bakunado man ang mga ito o hindi.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

“I read. That is the difference with those that immediately react and go ballistic with just picking up a few buzz words.Hello? The IATF has been allowing unvaccinated travelers with their own resolution only that it has been qualified. If you are unvaccinated, then you have to be quarantined for five days so it's not me that isallowing, it's the IATF. That's the trouble of not reading and not studying," dagdag ng gobernador.

Binanggit ni Garcia angIATF Resolution 160-B at D na nagbibigay ng go-signal na makapasok sa lugar ang mga unvaccinated foreign travelers basta sasailalim sa limang araw na quarantine.

Kamakailan, inihayag ni Malaya na makikipagpulong siya kay Garcia kaugnay ng naturang usapin, gayunman, nilinaw ni Garcia nawala pa siyang natatanggap na anumang pahayag mula sa DILG.

Calvin Cordova