Tinanggihan ni Partido Reporma standard bearer Senador Panfilo "Ping" Lacson nitong Huwebes, Pebrero 17, ang alok ng kapwa presidential candidate na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. Aniya, nais niya ring manalo sa darating na eleksyon.

Noong Miyerkules, Pebrero 16, sinabi ni Domagoso na itatalaga niya bilang anti-corruption czar si Lacson kung sakaling siya ay manalo sa eleksyon sa Mayo.

“Mayroon, like for example, ayaw ko naman pangunahan ‘yung resulta, for example, si Senator Ping Lacson,” ani Domagoso sa isang panayam sa kanyang motorcade sa Los Baños, Laguna.

“Senator Ping Lacson is an asset to the country, that I guarantee… I need someone with the qualities of Ping Lacson to address corruption and discipline in the government,” dagdag pa nito. 

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Gayunman, pinasalamatan ni Lacson si Domagoso dahil na-acknowledge nito ang kakayahan niya.

“I thank the Manila mayor for the kind words but I also intend to win,” ani Lacson sa Meet the Press forum kasama ang kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III.

"Paano nya ako ia-appoint pag nanalo ako," aniya pa.

Sa Manila Bulletin-Tangere Pre-electoral survey na isinagawa nito lamang Pebrero 10 - Pebrero 11, pumangalawa si Domagoso na may 23.5% at pang-apat naman si Lacson na may 5.38%

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/15/bongbong-sara-nanguna-sa-manila-bulletin-tangere-pre-electoral-survey/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/15/bongbong-sara-nanguna-sa-manila-bulletin-tangere-pre-electoral-survey/