Tila si Professor Clarita Carlos ang tunay na nanalo sa presidential debate na pinangunahan ng Sonshine Media Network International o SMNI noong Martes, Pebrero 15, sa Okada Manila.

Dumami ang kanyang mga tagahanga dahil sa naganap na debate. Marami ang napabilib sa kanyang mga straight forward o walang paliguy-ligoy na pananalita. 

Ang 75-anyos na si Carlos ay chief director ng StratSearch Inc. Kilala rin siya bilang Political scientist at Political Science professor sa Unibersidad ng Pilipinas.

Natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Foreign Service sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan nakuha din niya ang kanyang master's at doctorate degree sa Political Science. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Malawak ang kaalaman ni Carlos tungkol sa politika at gobyerno sa Pilipinas at sa iba pang mga isyu sa loob ng bansa. Kaya't tutok na tutok siya sa mga isinasagot ng mga kandidato noong presidential debate. 

Humarap kay Carlos ay sina Labor Leader Leody De Guzman, dating Senador Bongbong Marcos Jr., dating Defense Secretary Norberto Gonzales, at dating presidential spokesperson Ernesto Abella.

Inihalintulad din si Carlos kay dating Senador Miriam Defensor-Santiago dahil sa matalinong pagtatanong at walang takot na pagbibigay ng opinyon nito. 

Panawagan ng mga netizens na imbitahan ang propesor sa mga iba pang national debates dahil tila excited ang mga ito na matanong ni Carlos sina Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno na hindi nakadalo sa SMNI Presidential debate.