Pagtutuunan na lang ng pansin ni presidential candidate, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang pamilya kapag natalo sa pagka-pangulo sa 2022 National elections.

Ito ang binigyang-diin ni Domagoso nang bumisita sa Los Baños, Laguna, nitong Miyerkules.

“Well, I already committed myself, I will retire. Di ba I made a commitment, we were in Bulacan. I said that. After this, panatag na ko. Eh di babawi na ko sa pamilya ko," pagdidiin ng alkalde.

"I think malaki ang utang ko sa pamilya ko, sa mga anak ko. Kasi ang ginawa kong pamilya eh 'yung taong-bayan. Most of my time was dedicated to public service. But, panatag naman ako, salamat sa Diyos, maayos naman ang pamilya ko at nakakapamuhay naman ngkomportable," paglalahad ni Domagoso.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Inilabas ni Domagoso ang pahayag matapos ang halos 24 taon na paglilingkod sa bayan, partikular na sa Maynila.

Nagsimula sa pagtatrabao sa gobyerno si Domagoso nang mahalal bilang konsehal ng Maynila noong 1998 at matapos ang tatlong termino, nahalal na alkalde noong 2007.

Natalo naman si Domagoso matapos kumandidato sa pagka-senador noong 2016 hanggang sa italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilangchairman ng North Luzon Railways Corporation.

Taong 2019 nang mahalal bilang alkalde ng Maynila at noong Setyembre ng nakaraang taon ay ginulat niya ang publiko nang ianunsyoniya na kakandidato sa pagka-pangulo.

Naghain din siya ng kandidatura noong Oktubre 6, 2021.