Hindi pa rin lubusang matanggap ni Lovella Maguad ang pagkamatay ng kanyang dalawang anak na sinaCrizzlle Gwynn at Crizvlle Louis.

Noong ika-62 na araw ng pagluluksa, sinabi ni Lovella na hindi pa rin umano kayang hilumin ng oras ang sakit na nararamdaman niya.

Dahil sa hirap at sakit na nararamdaman, kinuwestiyon niya ang batas na umano’y nagbibigay-inspirasyon sa mga suspek upang magtagumpay ang mga ito sa kanilang masamang plano.

Ayon kay Lovella, tinanong ng isang menor de edad na suspek ang police na tila alam umano nito na hindi siya makukulong.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"One perpetrator asked the police few days after she murdered my kids .."di ba hindi ako makulong kasi 16 pa lang ako? Saan nyo ko dalhin?" It showed that she was well oriented with the law - she (they) knew how to play with the law but never her/their responsibility after enjoying her/their right," ani Lovella sa kanyang Facebook post noong Pebrero 12.

"Our lawmakers are schooled in the most prestigious universities here and abroad but why should we allow these children to play with the law?" dagdag pa niya.

Ang batas na tinutukoy ni Lovella ay ang RA 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act na sinimulang ipatupad noong 2006.

Sa batas na ito, hindi maaaring ikulong ang batang nasa 15 taong gulang pababa at ang mga batang may edad higit 15 taong gulang ngunit wala pang 18 taong gulang.

Sa halip na ikulong ang batang nakagawa ng krimen, dapat ay i-rehabilitate sa mga shelter katulad ng "Bahay ng Pag-asa" at sumailalim sa mga intervention at prevention programs na maaaring makatulong sa isang bata na magbagong buhay.

Maliban na lamang kung naiintindihan nito ang tama at mali sa pagsasagawa ng krimen.

"Sino po ba dapat ang maka avail ng Children Protection? Sino po ba dapat protektahan ng batas? Di ba yung abused, neglected and exploited children? Sino ba ang na abused dito?" sunud-sunod na mga tanong ni Lovella.

Matatandaang noong Disyembre 10, 2021 pinatay sa loob ng kanilang bahay ang magkapatid na Maguad.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/

Hindi naniniwala si Lovella na kaya pa umanong mamuhay nang normal ng mga suspek matapos nilang patayin ang magkapatid.

"Sa ginawa nila I don't believe mabuhay pa yan sila ng normal ...unless they were born evil," aniya.

Nananawagan ngayon ang nagluluksang ina sa Social Welfare para sa equal protection ng kanyang mga anak katulad na lamang ng ibinibigay nito sa mga suspek.

"Now am asking the social welfare for equal protection for my daughter and son the same as you are giving to the perpetrators. I'd like to ask you what are my rights over to one of the perpetrators as foster parent. Now kung ganito na lng natin I treat ang mga krimen ng mga below 18 ...we are then making Philippines as breeding place of criminals," saad niya.

Hanggang ngayon, habang nagnanais na makamit ang hustisya, mabigat pa rin kay Lovella ang pagkawala ng kaniyang mga anak.

Samantala, ipinagpaliban ng 30 araw ang arraignment ng kaso.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/05/ina-ng-maguad-siblings-na-realize-ko-kung-gaano-kahirap-makakuha-ng-justice-sa-ating-bansa/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/05/ina-ng-maguad-siblings-na-realize-ko-kung-gaano-kahirap-makakuha-ng-justice-sa-ating-bansa/