Kumakalat ang mga bali-balitang kasado na umano ang casting para sa Philippine remake ng hit Korean series na 'Start-Up' na gagawin ng GMA Network.

Ang apat na lead cast umano ay ang dating ABS-CBN A-list actress at movie queen na si Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Kung matutuloy ang proyekto, ito ang kauna-unahang teleserye ni Bea sa Kapuso Network matapos lumipat noong 2021. Ito rin ang unang beses na makakasama niya sina Jeric at Yasmien. Si Alden kasi ay nakatrabaho na niya sa isang shamppo commercial, at bago ang teleserye, may niluluto na silang pelikula na adaptation din sa isang Korean movie.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May be an image of 4 people and text
Larawan mula sa FB/GMA Asianovelas: The Heart of Asia

Ano-ano nga ba ang reaksyon ng mga netizen tungkol sa proyektong ito?

"They should have went for younger actors since the series is about young adult in their mid 20's na nagsisimulang maging entrepreneur…. Ang ganda pa nmn ng K-drama na 'yan…"

"Excited na ako, sa wakas mapakita mo na ulit ang galing mo sa acting, Bea! Dami na nag-aabang eh."

"No offense but Jeric is too young for the role of Good Boy. Dion Ignacio sana, let him shine this time. #DionIgnacioAsGoodBoy

Yasmien is a good choice btw. Natupad na yung akala niyang hindi mangyayari na magkakasama sila ni Bea."

"Mas bagay kay Alden ang role ni Good Boy. GMA baka naman. Swap n'yo na lang… and I'm not against Bea sana po yung mas bata."

"Nice!! Nagkasama din ang magkamukha na sina Bea at Yasmien."

"I'm excited. Para naman ma-inspire mga writers ng GMA at iba pang channels na gumawa ng story na may moral at hindi puro bangayan, tarayan, patayan, kabit. Nakakatoxic. So 'yun, aminin ko na lang di ako na-excite sa casting."

Samantala, hindi pa kumpirmado mula sa GMA Network kung kasado na ba ang proyektong ito. Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng Pinoiy adaptation ang mga Korean series sa Kapuso Network.