Sinabi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala siyang ideya kaugnay ng gastos sa pagpapatakbo ng kanyang mga aktibidad sa pangangampanya at karamiha’y pinondohan daw ito ng kanyang mga kaibigan.

Sa presidential debate ng SMNI noong Martes ng gabi, Peb. 15, sinabi ni Marcos Jr. na hindi niya sinusubaybayan ang kanyang mga gastos sa kampanya bagama't handa ang kanyang kampo na ilabas ang kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) kapag natapos na ang campaign period.

“Kami ay iniimbita lamang ng mga organizers diyan… kaya sabi namin wag niyo pahabain. Wag niyong gagawin ito, ang gawin nalang natin magtanim tayo ng kahoy. Sinasabi nila, gusto pa rin namin mag-caravan. Hindi naman namin maipigil dahil walang hinihingi samin, kaya wala kaming gastos doon,” ani Marcos habang tinutukoy ang kanyang campaign sorties.

Sinabi pa ng dating senador na karamihan sa kanyang mga donasyon ay “in kind”.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sa awa ng diyos eh marami pa naman tayong kaibigan na handang tumulong na magpahiram ng kanilang mga eroplano, ng kanilang mga helicopter,” dagdag niya.

Mula nang magsimula ang panahon ng kampanya noong Pebrero 8, nilibot ni Marcos Jr. ang iba't ibang probinsiya at lungsod sa Metro Manila. May araw pa nga na nagkaroon siya ng proclamation rally sa Tuguegarao sa Cagayan sa umaga, tapos isa pang rally sa Quezon City sa gabi.

Bago ang campaign season, pupunta rin siya sa iba't ibang probinsya sa Visayas at Mindanao para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Odette".

Sinabi ni Marcos Jr., ang nangungunang kandidato sa mga kamakailang presidential survey, na ang kanyang usapan sa kanyang mga kaibigan na tumulong sa kanya sa kanyang kampanya ay "gratis et amore" lamang o pagbabalik sa pamamagitan ng pasasalamat.

Nang tanungin kung may pinakahuling taya na ito sa nagagastos na halaga sa kampaya, tanging sagot lang ito: "No, I cannot because I'm not following because we didn't do an accounting before Feb. 8."

Pero, dagdag pa niya, sa oras na mapos ang campaign season, ilalabas niya ang kanyang SOCE, “kung saan makikita mo kung sino ang mga donor, magkano ang binigay nila at saan napunta ang pera nila.”

Joseph Pedrajas