Hiniling ni vice presidential candidate, Senator Francis Pangilinan saCommission on Elections, Philippine National Police (PNP) at iba pangsangay ng pamahalaan na imbestigahan ang napaulat na pananakot laban sa mgavolunteers ng Team Leni Robredo sa Davao City, Butuan at Quezon Citysa loob mismo ng kani-kanilang headquarters kamakailan.

Sa Davao City aniya, pinagbantaan umano ng isang lalaki angmga miyembro ng grupong 'Youth For Leni' sa loob mismo ng headquarters, sinundan ng insidente sa Butuan at sa Quezon City.

Aniya, dapat ipakita ng Comelec at PNP na sila ay patas sa pagsasagawa ng pagsisiyasat sa kaso.

"Huwag nating isugal ang kinabukasan natin, ng pamilya mo, at ngbuong sambayanang Pilipino sa mga kandidatong gumagamit ng dahas. Samga nambubudol. Sa mga magnanakaw at huwag nating hayaan mulingnakawin ang ating kinabukasan, at kinabukasan ng ating mga anak," pagpapaliwanag pa ng senador.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Leonel Abasola