ITINALAGA bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights(CHR) si Leah Tanodra-Armamento.
Pinalitan ni Tanodra-Armamento si dating CHR chairperson Jose Luis Martin “Chito” Gascon na binawian ng buhay matapos mahawaan ng COVID-19 noong Oktubre 2021.
Hindi na bago sa CHR si Tanodra-Armamento dahil naging commissioner din siya atdating nagtrabaho sa loob ng limang taon saOffice of the Solicitor General bilang associate solicitor.
Nalipat siya sa Department of Justice (DOJ) at mula sa pagiging StateProsecutor ay naging Senior State Prosecutor noong 1991 hanggang 2003.
Noong 2003, itinalaga si Tanodra-Armamento bilang DOJ Assistant ChiefState Prosecutor, kung saan siya ang naging chairman ng legal panel ngPhilippine government (GPH) sa paghimay ng Final Peace Agreement’sImplementation sa pagitan ng Philippine government at ng Moro National Liberation Front(MILF).
Jun Fabon