Bahagya na namang tumaas ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa Pilipinas nitong Miyerkules, Pebrero 16.

Ito ay nang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,671 na panibagong kaso ng sakit, mas kumpara sa 2,010 nitong Martes, Pebrero 15.

Sa pagkakadagdag ng nasabing kaso, aabot na sa68,000 ang ktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sase bulletin #704, uaabot na ngayon sa 3,644,597 ang kaso ng sakit sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 1.9% na lamang o 68,829 ang aktibong kaso, o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay nakakaranas lamang ng mild symptoms, na nasa 63,037 habang 1,130 naman ang asymptomatic o walang anumang sintomas ng sakit na nararanasan.

Nasa 2,920 naman ang moderate cases, 1,433 ang severe cases at 309 ang kritikal.

Nakarekober naman sa sakit ang 6,130 pang pasyente kaya umaabot na ngayon sa 3,520,545 ang total COVID-19 recoveries sa bansa.

Sa kabila nito, 77 pasyente pa ang bawian ng buhay sa sakit kaya nasa55,223 COVID-19 deaths na ang naitala ng bansa.

Mary Ann Santiago