Nakapagtala pa rin ang Zamboanga City ng 12 na karagdagang kaso ng Omicron variant.

Ito ang kinumpirmani City Health Officer Dr.Dulce Miravite at sinabing aabot na sa 29 ang Omicron cases sa lungsod.

Natukoy aniya ang nasabing dagdag na kaso batay na rin sa genome sequencing results na inilabas ng Philippine Genome Center nitong Pebrero 11.

Bukod dito, isa ring kaso ng Delta variant ang naitala sa siyudad.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!

Aniya, natuklasan na rin nila ang iba't ibang COVID-19 variants sa lungsod.

Isinapubliko aniya ang pagkakadagdag ng kaso ng Omicron matapos iutos na panatilihing ipatupad ang Alert Level 2 status sa siyudad.

Matatandaang iniulat ng city health office na umabot na sa 953 ang aktibong kaso ng sakit nitong Pebrero 12.

Liza Abubakar-Jocson