Binatikos ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ang patuloy na pagtaas ng presyo ng industriya ng langis.

Nitong Martes, Pebrero 15, isa na namang dagdag-presyo ng langis ang nagkaroon ng bisa, na nagtaas ng presyo kada litro ng P1.20 para sa gasolina na humigit-kumulang P7.95 kada litro, at tumaas ng P1.05 para sa diesel na humigit-kumulang P10.20 kada litro, at tumaas ng P0.65 para sa kerosene na umaabot sa halos P9.10 kada litro.

“This has got to stop because consumers can only take so much, especially with the ongoing pandemic that may still last for years,” sabi ni Zarate sa isang pahayag nitong Martes, Pebrero 15.

“Kung tutuusin, nakapasa na sana ang bill to suspend the excise tax on oil for six months kung hindi ito hinarang ng mga economic managers ni Duterte at hinayaan naman niya ang mga ito,” paliwanag.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang tinutukoy ni Zarate ay ang House Bill (HB) 10488 na nasa ilalim ng plenaryo noong Nobyembre 2021.

Ayon kay Zarate, noong tila nakatakdang ipasa ng Kongreso ang HB 10488, nagsimulang magbawas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto, hanggang sa magpahinga ang kamara na nagresulta sa muling pagsisimula ng pagtaas ng presyo ng langis.

“The suspension of the excise tax on oil products would be a welcome reprieve for struggling public transportation drivers and operators, farmers, fisherfolks and consumers from the still continuing oil price hikes,” ani Zarate ukol sa pagkakapasa ng HB 10488 noong Nobyembre 2021.

“A similar, if not even worse, kind of governance by Duterte’s proxy or favored succesor will just continue the same anti-people policies. Kaya wala tayong ginhawang maaasahan kung sila ang manalo,” ani Zarate.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na ipinasa noong 2018, ipinapataw ang excise taxation sa pagbebenta, produksyon, at pagkonsumo ng mga produktong petrolyo.

Seth Cabanban