Para kay 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, habang mas kina-cancel o binabatikos si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa social media ay mas lalo raw itong nagiging 'maimpluwensya', bilang isa raw siyang 'eksperto' pagdating sa social media.

"Bilang isang eksperto sa social media, ito lang ang masasabi ko. Ang pag-cancel kay Toni is not a strategic move at all," ayon sa kaniyang Facebook post.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"The more you cancel her, mas magiging influential siya. We know how to capitalize on hate then convert it to massive influence and power."

Matatandaang na-cancel sa social media si Toni G maging ang mister na si Direk Paul Soriano dahil sa hayagang pagsuporta kay presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos, na ninong nila sa kasal. Isa pa, napag-alaman na kaanak pala ni Direk Paul ang misis ni BBM na si Lisa Cacho Araneta-Marcos. Pinsan umano ito ng kaniyang daddy.

Samantala, tila 'unbothered' naman daw si Toni sa mga nangyayaring cancel culture sa kaniya sa social media. Bagama't nag-unfriend siya ng mga kaibigan at kasamahang celebrity (maliban sa kapatid na si Alex Gonzaga), panay post din sa IG stories ang TV host. Mas dumami rin ang kaniyang mga followers sa Instagram at subscribers sa YT channel.

Bagama't wala pang opisyal na reaksyon o pahayag sa mga isyu, nauna nang ipinaliwanag ni Toni ang kaniyang saloobin at opinyon tungkol sa cancel culture. Nauna na siyang ma-cancel nang kapanayamin niya sa 'ToniTalks' si BBM bandang Setyembre 2021.

"I have been cancelled for 20 years of my life. Last year, I have been cancelled for one whole year during the pandemic. People tell me or my sister would tell me, 'You're trending, people are cancelling you.' 'Again? They have been cancelling me for 20 years,’” aniya sa panayam sa kaniya ng vlogger na si Wil Dasovich.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/16/never-cancel-yourself-ang-words-of-wisdom-ni-toni-g-sa-pagiging-cancelledt-sa-socmed/

“No matter how many people or how many times you were cancelled by other people, what's important is you never cancel yourself. Everybody can be against you, but you never have to be against yourself. Because that's the biggest betrayal."

"It is not painful for me to be cancelled by society because I don't cancel myself," mariing pahayag niya.