Viral sa Facebook ang post ng surgeon na si Joman Laxamana matapos ilarawan niya ang “true cost of corruption” sa mga nakakasalamuhang pasyente.
“What is a billion pesos? Imagine winning 1 million pesos in the lottery. You might finally afford a car or pay off your debts. Now imagine winning 1 million pesos in the lottery every day, for 3 years. That's over a billion pesos. A billion is a thousand million,” pagbubukas ng ideya ni Joman sa kanyang Facebook post nitong Linggo, Pebrero 13.
Kasunod niyang iniugnay ang halaga sa kontrobersyal na P15 bilyong pondo ng bayan na napabalitang nalustay dahil sa korapsyon sa PhilHealth.
“The missing money from Philhealth is allegedly 15 billion. Equivalent to winning the 1M lottery everyday, for 40 years. Winning 1 million pesos, fifteen thousand times. Money more than you'll need in a lifetime. Probably more than enough for all my patients combined, from now until I retire. And that's just from one branch of government,” paglalatag ni Joman sa laki ng halagang umano’y naawala sa Philhealth na malaking tulong sana sa ilang Pilipinong nangangailangan ng agarang gamutan.
Sunod na inilarawan ni Joman kung sana'y maibabalik ang P15 bilyon sa mga taumbayan, hindi na dadaing ang kanyang mga nakakasalamuhang pasyente at mga pamilya nito sa bigat ng halaga ng gamutan.
Kung sana’y mababawi ng gobyerno ang malaking halagang ito, ani Joman, wala sanang cancer patient na magsasabing “Lumaki na po ang bukol, wala po kasi pera pampa-chemo” o wala nang magulang na magbabahagi sa kanya na “Nag-stop na po [ang] anak ko sa pag-aaral kasi hindi po pala nakakarnig.”
Hindi na rin sana mababanggit ng isang nangulilang asawa na kung sana’y maagang nadala sa emergency room (ER) ang kanyang asawa’y sana’y buhay pa ito. Dagdag ni Joman, wala na sanang magpapalipat-lipat ng ospital dahil lang sa walang pang-downpayment ang pasyente kung walang korapsyon.
Hindi na rin sana aniya maririnig ang "Sorry doc, kulang po kami ngayon sa duty. Nag resign na po halos lahat at nag-abroad” kung maibabalik ang mga nakaw na pondo ng bayan.
Sunod na ipinunto ni Joman ang dagok ng korapsyon sa mga tao. “Friends, realize the true cost of corruption. It's not just illegally acquired luxury cars and giant estates, it's the lives of the people around you,” pagpupunto ni Joman.
“Make the right decision for our country's future. Because my next patient might be your mom, spouse or child, and it would break my heart if you tell me: ‘Doc, iuuwi nalang po namin siya. Ubos na ubos na po ako,’” pagtatapos ni Joman sa kanyang madamdaming Facebook post.
Samantala, nauna nang napabalitang na-liquidate na umano ng kontrobersyal na PhilHealth ang usapin ukol sa nawawalang P15 bilyon.
Umabot na sa higit 22,000 reactions at 18,000 shares ang naturang post sa pag-uulat.